Payaso

Payaso

Kay sarap ng pinanunood, pinapalakpakan
Layunin ko di hamak ang ako’y kanilang pakinggan
Ahhh, nadarama ko… ako’y bida na naman

Mataas yaring aking entablado
Mga props at costumes at assistants laging karay-karay ko
Lahat ng mga ito at ang aking nakakatawang mga kwento

Hindi biro ang maging isang payaso
Ang pagkuha ng atensyon ng tao’y kailangang aralin mo
‘Wag lang mahuli’t mabuking ang mga natatagong estilo

Subalit di lahat ng manonood ko’y napapasaya ko
May nababagot, nauumay, at nasusuya pa kamo
Sadyang mahirap kumbinsihin, kaya’t sa ibang  tao’t lugar na ang tungo ko

Nakangiti ang labi ko ngunit hindi ako maligaya
Kung maaari lamang nga’y di ko na tatanggalin itong aking maskara
Pagkat pagbaba ng mga kurtina’y syang buhos din ng aking mga luha

Heto na’t nagdarambong ang kalungkutan na may halong pagngingitngit
Nag-uumapaw sa selos at sa pinakatatagong inggit
Bakit nga ba ako pa’y nahanapan ng kapalit?

“Ako ang nagwagi”, bulong ko sa aking sarili
Ako ang pinaniwalaan, pinagsimpatyaan, at ipinagpupunyagi
Ako pa rin ang dapat na lumabas na sadyang biktima’t napasakit

Pilit kong di pinapansin munting boses na bumubulong sa aking tainga,
“Marumi mong utak, matabil mong dila, mapusok mong gawa…
Sinungaling. Habambuhay mo na itong pasanin.”

Advertisements

Your $0.02 are welcome! :)

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s